Crime volume

Crime volume bumaba ng 11% ayon sa DILG

Metro News

BUMABA sa 11% ang crime volume sa bansa sa ikatlong taon ng Duterte Administration.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa isinagawang pre-sona forum sa Participatory Governance (PGC) cluster sa Cebu City.

Ani Año, bunga ito ng ikinasang “participatory governance” at aktibong kolaborasyon sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalanan, mga mamamayan at iba pang stakeholders.

Ayon sa kalihim dahil sa tulong ng pinaigting na local based institutions na Peace and Order Councils (POCs), Anti-drug Abuse Councils (ADACS) at People’s Law Enforcement Board (PLEB) ay matagumpay na naikasa ng law enforcement agencies ang kanilang mga operasyon kontra krimen.

Mula sa 488,644 na bilang ng krimen noong Hulyo 2017 hanggang Hulyo 2018 ay bumaba ang crime volume sa 438,496 sa parehas na panahon noong 2018 hanggang 2019.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *