DPWH

DPWH, magsasagawa ng road reblocking at repair ngayong Weekend

Section

ASAHAN na ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang lansangan sa Metro Manila ngayong darating na Weekend.
Bunsod ito ng muling isasagawang road reblocking at repairs ng DPWH na magsisimula mamayang alas-11 ng Gabi hanggang sa Hulyo a-15.
Kabilang sa apektadong kalsada ang southbound ng EDSA harap ng Guzent Construction Equipment sales and rental hanggang Culiat Bridge, 1st lane mula sidewalk; Katipunan Avenue bago mag-P. Tuazon Boulevard, 2nd lane mula sidewalk; EDSA Magallanes patungong Baclaran bus stop at mula Magallanes patungong Alabang bus stop, outer lane; EDSA Eugenio Lopez hanggang Scout Borromeo at EDSA Quezon City sa pagitan ng west avenue at Philam Village.
Apektado rin ang southbound ng Regalado Ave. Mindanao Ave. ext. hanggang Quirino Highway, 2nd lane mula sidewalk at EDSA lagpas ng Aurora Blvd., 2nd lane mula sidewalk.
maging ang westbound ng Quirino Highway Kingfisher St. hanggang Primerose St., 2nd lane mula sidewalk at General Luis St. Pascual st. hanggang bago mag-oriental tin.
habang apektado rin ang C-5 road harap ng SM Aura northbound, 3rd lane mula sa gitna at SM Aura southbound, 2nd lane mula sa gitna.
Muling madadaanan ang mga apektadong kalsada sa lunes, hulyo 15 pasado alas-5 ng madaling araw.
Inaabisuhan naman ng mmda ang mga apektadong motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at gumamit na muna ng mga alternatibong ruta.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *