Gilas Pilipinas

Gilas Pilipinas, makakatapat ang Australian Club Adelaide 36ers sa tune up games para sa paghahanda sa 2019 Fiba World Cup

Sports

MAKAKATAPAT ng Gilas Pilipinas ang koponan mula Australia ang Australian Club Adelaide 36ers sa dalawang tune up games para sa paghahanda sa 2019 Fiba World Cup.

Ito ay kinumpirma ng team manager ng gilas na si Gabby Cui.

Lilipad sa bansa ang 4-time NBL Champions sa Agosto para sa nasabing laban.

Ang naturang tune up games ay gaganapin sa Meralco Gym sa Ortigas sa August 23 at 25.

Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na magtatapat muli ang Pilipinas at Australia matapos ang naging kontrobersyal na laro ng dalawang bansa sa Asian Qualifiers ng Fiba noong July 2018.

Samantala, lumagay sa ika-limang pwesto ang koponan ng 36ers sa kakatapos lang na NBL Season.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *