LTFRB

LTFRB, nakatakdang magpalabas ng Show Cause Orders laban sa dalawang kumpanya ng bus na nasangkot sa aksidente

Metro News

NAKATAKDANG magpalabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa dalawang kumapanya na nasangkot sa road accident kahapon.

Kabilang dito ang Philippine rabbit kung saan muntik ng tuluyang mahulog ang isang bus unit nito sa isang tulay sa North Luzon Expressway bago mag-San Fernando, Pampanga exit.

Nais alamin ng LTFRB ang paliwanag ng kumpanya kung bakit hindi sila dapat patawan ng supenssion o pagkansela sa kanilang prangkisa.

Pagpapaliwanagin din ng LTFRB ang kumpanyang Ac Trans kung saan isang bus unit nito ang nasunog sa bahagi ng Edsa-South Bound bago sumapit ng Balintawak Clover Leaf.

Wala namang nasawi sa dalawang aksindente na kinasasangkutan ng pampublikong bus habang patuloy na iniimbestigahan ang dahilan ng aksidente.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *