Luzon Grid

Luzon Grid, isasailalim sa yellow alert ng labing isang oras

Metro News

SA ika-limang sunod na araw, manipis na naman ang reserba ng kuryente sa luzon grid.

Dahil dito, itinaas sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang grid mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

At muli itong iiral mula alas-6 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.

Sa abiso ng NGCP, may available capacity sa kuryente ngayong araw na 11,208 megawatts habang nasa 10,738 megawatts ang peak demand.

Sa kabila ng yellow alert, wala naman inaasahang power outage.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *