Pilipinas

Pilipinas, tinanghal na Least Peaceful Country sa Southeast Asia ayon sa Global Peace Index 2019

National News

UMANGAT ng tatlong pwesto ang Pilipinas sa listahan ng pinaka mapayapang bansa sa buong mundo.

Batay sa 2019 Global Peace Index (GPI), mula sa ika-137 pwesto noong nakaraang taon ay umusad na sa ika-134 na pwesto ang Pilipinas sa 163 na mga bansa.

Gayunman, nasa ika-18 pwesto naman ang Pilipinas sa least peaceful countries sa Asia-Pacific na halos nakikipagitgitan sa North Korea na nasa pinaka mababang pwesto.

Tinaguriang least peaceful din ang bansa sa Southeast Asia kung saan itinanghal ang Singapore na pinakamapayapa at siya rin naka-kuha ng 7th place sa overall 2019 GPI.

Kabilang din ang Pilipinas sa 6 na bansa na may high risk of multiple climate hazards kasama ang Japan, Bangladesh, Myanmar, China, Indonesia, Vietnam at Pakistan.

Nanatili naman bilang pinakamapayapang bansa sa buong mundo ang Iceland na nasa number one spot mula pa noong 2008.

Ang GPI ay base sa pag-aaral ng Institute for Economics and Peace (IEP) sa Sydney base sa level of safety and security, extent of ongoing domestic and international conflict at degree of militarization ng isang bansa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *