Motorcycle Crime Prevention Act

Resolusyon ng UNHRC na mag-iimbestiga sa umano’y Extrajudicial Killings sa bansa, pinanawagan ng isang Senador

Metro News

KINUWESTYON ng isang Senador ang resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na iimbestigahan ang giyera kontra droga ng pamahalaan.

Sa panayam ng sonshine radio at smni news kay Senador Dick Gordon, iginiit nito na dapat ang sarili nating Commission on Human Rights (CHR) ang mag-imbestiga at hindi ang UNHRC.

Ani Gordon, parang binubulas-bulas tayo ng United Nations (UN) kahit na miyembro nila tayo.

Tingin ni Gordon, bagamat sinisuwelduhan ay hindi nagtatrabaho nang maayos ang CHR dahil halos propaganda lang ang ginagawa nito.

Matatandaan na nasa 18 bansa mula sa 47 bansa na miyembro ng UNHRC ang sumuporta sa resolusyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *