52 katao, sugatan sa magnitude 5.5 na lindol sa Surigao Del Sur

Regional

UMABOT sa 52 katao ang naitalang sugatan matapos ang pagtama ng magnitude 5.5 na lindol sa bayan ng Carrascal sa Surigao Del Sur noong Sabado ng umaga.

Batay ito sa huling bulletin ng NDRRMC, naitala ang mga sugatan mula sa mga bayan ng Labuza, Carmen, Madrid at Cantilan.
Aabot naman sa 826 indibidwal ang apektado ng lindol mula sa 9 na barangay sa Caraga.
sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang damage assessment ng mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa mga opisina at tanggapan ng pamahalaan.

Sa ngayon, patuloy pa ring nakararanas ng aftershock ang Caraga matapos ang pagtama ng magnitude 5.5 na lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *