Pagsuporta ni VP Robredo sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng UNHRC sa bansa, kinuwestyon ng PACC

National News

KINUWESTYON ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo sa naging desisyon ng United Nation Human Right Council.

Kaugnay ito sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng human rights body sa umano’y kaso ng mga pagpatay sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay PACC Commissioner Atty. Manuelito Luna, hindi maaaring kontrahin ang opisyal na posisyon ng gobyerno na hindi kilalanin ang resolusyon ng UNHRC.

Kaugnay nito, nagbabala rin si luna kay Robredo na isang impeachable offense ang pagpanig nito sa desisyon ng UNHRC na imbestigahan ang mga naitalang pagpatay sa bansa.

Sinabi ni Luna, posibleng maharap sa kasong “betrayal of public trust,” ang ikalawang pangulo.

Ito ay dahil wala pa aniyang conclusive hinggil sa war on drug ng pamahalaan at kasalukuyan pang iniimbestigahan ito ng Philippine National Police (PNP).

Ulat ni: Melrose Manuel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *