Resolusyon ng UNHRC sa giyera kontra droga ng administrasyon, hindi dapat balewalain ayon sa dating mambabatas

National News

HINDI dapat balewalain ang resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa giyera kontra droga ng administrasyon.

Ito ang iginiit ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa programang “Dito sa Bayan ni Juan” ng DZAR Sonshine Radio.
Ayon kay Enrile, kailangang pag-aralan ito ng pamahalaan dahil makaaapekto ito sa ating bansa.

Samantala, sa isa pang panayam sinabi ni Commission on Human Rights (CHR) Spokesperson Jacqueline De Guia na bahagi ng trabaho ng UN council na tignan ang sitwasyon ng human rights ng iba’t ibang bansa.

Ani De Guia, hindi lang Pilipinas ang bansang ang napapailalim sa nasabing resolusyon.

Magugunita na nitong nagdaang linggo ay kinatigan ng UNHRC ang petisyon ng Iceland na imbestigahan ang umano’y extrajudicial killings sa bansa kasunod ng war on drugs.

Ulat ni: Sam Gutierrez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *