Anti-Bastos Bill, ganap nang isang batas matapos lagdaan ni Pangulong Duterte

National News

GANAP nang isang batas ang Safe Space Bill o ang Anti-Bastos Bill.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11313 na layong labanan ang Gender-Based Sexual Harassment sa kalsada, public places, online, workplaces at educational and training institutions.

Nakasaad sa batas na bawal na ang catcalling o paninipol, panghihipo, mga homophobic, transphobic o misogynistic remarks o mga negatibo at sekswal na patutsada sa mga babae at maging miyembro ng LGBT, unwanted invitations at iba pang uri ng gender-based harassment.

Ang Mmda at PNP ang inaatasang manghuli ng mga lalabag sa mga probisyon sa batas.

Ang sinumang lalabag ay papatawan ng P1,000 hanggang P100,000 multa at maaaring makulong ng hanggang isang buwan depende sa uri ng gender-based harassment.

Habang P100,000 hanggang P500,000 na multa sa online harassment.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *