DTI, kinumpirma ang pagtaas ng presyo ng ilang milk products at condiments

National News

KINUMPIRMA ni Trade Secretary Ramon Lopez Jr. ang pagtaas ng presyo ng ilang milk products at condiments.

Sa ginanap na pulong-balitaan kasabay ng isang event sa PICC sa Pasay City, sinabi ni Lopez na resonable naman ang pagtaas ng presyo ng mga ito.

Paliwanag pa ni Lopez, nag-take effect na ang price increase pero napaka-minimal lang aniya ito kaya walang dahilan ng pagka-alarma.

Sa katunayan nga aniya ay hindi ito inflationary.

Samantala, nilinaw naman ng trade chief na walang nangyaring pagtaas ng presyo ng sardinas at iba pang commodities gaya ng gulay at bigas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *