Manny Pacquiao

Filipino boxing icon Manny Pacquiao, nagpamalas sa huling sparring

Sports

NAGPAMALAS ng kanyang galing ang pambansang kamao na si Sen. Manny Pacquiao sa huling sparring session nito bago tumulak sa Las Vegas, Nevada.

Kasunod ito ng nalalapit na laban ni Pacquiao kay Keith Thurman ngayong darating na Linggo (araw sa Pilipinas).

Nakasparring ni Pacman si Abraham Lopez sa la training camp sa ‘4 rounds of light sparring’ bilang pagtatapos ng matindi nitong pag-eensayo.

Sa ngayon, ito na ang ika-71 boxing match ni Manny sa professional boxing career kung saan nagtala ito ng 61 wins na may 39 knockouts, 7 losses at 2 draws.

Habang ang makakatapat naman nito na si Thurman ay record na 29 wins at 22 dito ay via knockout.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *