Free anti-rabies vaccination, isinagawa sa Quezon City

Metro Manila

NAGSAGAWA ng malawakang free anti-rabies vaccination ang Quezon City Veterinary Department sa 55,128 household pets sa lungsod.

Ang nasabing hakbang ay kampanya upang kontrolin at iwasan ang kaso ng rabies sa bansa.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Ana Maria Cabel, dapat maging responsableng pet owner laging ipatingin sa doktor ang alaga, pabakunahan ng anti-rabies at huwag pabayaan na makawala sa lansangan.

Nakapaloob din sa Republic Act No. 9482 section 7 o ang Anti-Rabies Act of 2017 na responsibilidad ng local government ang pag-implementa ng National Rabies Prevention and Control Program.

Maliban dito, nilagyan din ng QC veterinary ang mga hayop ng microchips na may pangalan ng owner at ang vaccination records nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *