HazardHunter PH, inilunsad ng Phivolcs

National News

KASABAY ng paggunita sa ika-29 na taon nang pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Luzon noong 1990, inilunsad ngayong araw ng Phivolcs ang HazardHunter PH.

Ayon sa Phivolcs, 2,412 na katao ang nasawi sa nasabing lindol.

Labis din aniya itong naging mapaminsala at maraming gusali ang nawasak kabilang ang Hyatt Hotel sa Baguio City.

Sinabi ng Phivolcs na layunin ng app na tulungan ang publiko na maging handa hindi lang sa lindol kundi sa iba pang kalamidad.

Ang HazardHunter PH ay isang one-stop online application kung saan sa pamamagitan lamang ng isang click ay makikita ng publiko ang hazard assessment sa lugar kung saan sila naninirahan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *