Mga empleyado ng Bureau of Customs, sumailalim sa random drug tests

National News

SUMAILALIM sa random drug tests ang mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs.

Ito ay alinsunod na rin sa mga hakbang na ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng drug-free workplace sa mga opisina ng pamahalaan.

Sinabi ni Deputy Commissioner Raniel Ramiro ng intelligence group na ang drug tests na kanilang isinagawa sa kanilang mga empleyado ay alinsunod sa regulation no. 13, series of 2018, ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Nakasaad sa regulasyon na sinumang mga opisyal at empleyado na tumangging sumailalim sa drig testing ng walang balidong rason ay bibigyan ng show cause order mula sa commissioner o sa kinatawan nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *