Mga kompanya ng langis, nagpatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo

National News

NAGPATUPAD ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines, at Sea Oil, may dagdag na P1.05 ang presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.70 sa kada litro ng diesel at kerosene.

Una namang nag-abiso ng oil price hike ang kumpanyang Shell ng kaparehong dagdag-presyo.

Ang naturang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *