Department of Health

“National Dengue Alert”, idineklara ng Department of Health

National News

IDINEKLARA ng Department of Health (DOH) ang “National Dengue Alert” bunsod ng pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mula Enero hanggang Hunyo 29 ng taon, umabot sa kabuuang 106,630 ang naitalang kaso ng dengue sa buong bansa.

Mas mataas ito ng 85 % kumpara noong nakaraang taon.

Aabot naman sa 456 ang naitalang nasawi kung saan karamihan sa mga ito ay bata na nasa edad 5 hanggang 9 na taong gulang.

Ito naman ang unang pagkakataon na nagdeklara ng “National Dengue Alert” ang DOH.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *