NBA player Anthony Davis, hindi na maglalaro sa FIBA World Cup

Sports

NAGDESISYON na hindi na maglalaro ang NBA player Anthony Davis sa Team USA para sa nalalapit na FIBA World Cup.

Magugunitang ngayong buwan ay ganap na maglalaro na ito para sa koponan ng Lakers matapos ang matagumpay na trade sa New Orleans Pelicans.

Ayon naman kay Davis ay pagtutuunan niya ng panahon ay ang paghahanda sa upcoming NBA season kaya siya liliban sa paglahok sa FIBA World Cup.

Maaalalang nagkamit ang 26-year-old na manlalaro ng gold medals sa 2012 London Olympics at 2014 World Cup na ginanap noon sa Spain dahil sa pagsali niya sa Team USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *