Pagpapatupad ng freedom of information sa Pasig City, pormal ng inilunsad

Metro Manila

PORMAL nang inilunsad ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ugnayan sa Pasig bilang hakbang sa pagpapatupad ng freedom of information sa lungsod.

Layon ng programa na mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa publiko at iba pang mga proyekto at transaksyon sa nasabing lungsod.

Ayon naman kay Winnie Rayos-Dimanlig, public information officer – freedom of information, bukas bente kuwatro oras ang kanilang hotline na 643-0000 para tumanggap ng mga reklamo.

Tiniyak ni Dimanlig na agad nilang tutugunan ang mga matatanggap na reklamo.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *