Bagyong Falcon, napanatili ang lakas; Signal warning, nakataas sa 10 lugar sa Luzon

National News

NAPANATILI ng Bagyong Falcon ang lakas nito habang nasa silangang bahagi ng Aparri, Cagayan.

Sa severe weather bulletin PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 200 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan kaninang 7:00 ng umaga.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 80 kilometers bawat oras.

Patuloy na kumikilos ang bagyo pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometer bawat oras.
Signal no. 2:

Apayao

Batanes

Cagayan

Babuyan group of islands

Signal no. 1:

Ilocos Norte

Abra

Kalinga

Isabela

Mountain Province

Ifugao

Ngayong araw, makararanas ng moderate to heavy rains ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern part ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo islands, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Guimaras.

Habang light to moderate at minsan ay heavy rains naman ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, at nalalabing bahagi ng Visayas at MIMAROPA.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Biyernes ng umaga.
Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa layong 170 kilometro kanluran ng Laoag City.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *