Bagyong Hanna

Bataan, Cavite at Batangas, itinaas na sa yellow warning bunsod pa din ng Bagyong Falcon

National News

ITINAAS na sa yellow alert ang mga probinsya ng Bataan, Cavite at Batangas dahil sa malakas na buhos ng ulan ngayon araw.

Nakalagay naman na sa orange alert ang probinsya ng Zambales.

Kasunod nito ay asahan na ang mga pagbaha sa mga flood-prone area.

Makararanas naman ng light to moderate rain showers ang Bulacan sa susunod na tatlong oras.

Parehong sitwasyon din ang iiral sa buong Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Laguna, Rizal, at Quezon.

Ito ay bunsod pa rin ng pananatili ng Bagyong Falcon sa bansa.

Inaabisuhan naman Disaster Risk Reduction and Management Office ang lahat ng apektadong lugar na manatiling magmonitor at antabayanan ang susunod ng advisory.

Para sa mga karagdagang impormasyon o katanungan, tawagan lang ang mga numerong 927-1335 at 927-2877 o bisitahin ang bagong.pagasa.dost.gov.ph.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *