Dating VP Binay, naghain ng election protest laban kay Makati 1st District Rep. Kid Peña

Metro Manila

NAGHAIN ng election protest si dating Vice President Jejomar Binay laban kay Makati 1st District Representative Kid Peña na tumalo sa kanyang sa congressional race noong 2019 midterm elections.

Sa pitumpung pahinang electoral protest, hinihiling ni Binay sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na magsagawa ng manual recount ng mga balota at iba pang election documents sa lahat ng 235 clustered precincts sa Makati City.

Iginiit ni Binay na may mga naganap na pandaraya, anomalya at mga irregularities sa kasagsagan ng halalan noong May 13.

Sinabi ni Binay na ang kanyang paghahain ng election protest ay isang hamon para matuklasan ang tunay na kalooban ng mga botante ng Makati.

Matatandaang natalo ni Peña si Binay na isang dating Makati vice mayor ng halos 6,000 votes.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *