Ilang flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

National News

KANSELADO ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa kanselado sa NAIA terminal 3 ang flights 5J 196 at 197 na Manila-Cauayan-Manila; 5J 504 at 505 na Manila-Tuguegarao-Manila at 5J 506 at 507 na Manila–Tuguegarao-Manila ng Cebu pacific.

Wala ring biyahe ang flights M8 816 at 817 na Manila-Basco-Manila ng Skyjet.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline companies para sa rebooking o refund ng kanilang tickets.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *