Klase sa ilang lugar sa bansa, suspendido dahil sa Bagyong Falcon

National News

NAGDEKLARA na ng suspensyon ng klase ang ilang lugar sa bansa bunsod ng mga pag-ulang dulot ng Bagyong Falcon ngayong araw ng Miyerkules, July 17.

Suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong Metro Manila kabilang ang Quezon City, Makati, Manila, Marikina, Pasig, Mandaluyong, Muntinlupa, Pasay, Caloocan, Taguig, Pateros, Valenzuela, Malabon, Las Piñas, San Juan, Parañaque at Navotas.

Gayundin sa buong lalawigan ng Rizal, Cavite, Cagayan, Apayao, Abra, Bataan, Olongapo, Albay at Camarines Sur.

Wala ding pasok ang lahat ng antas sa ilang bayan sa Pangasinan kabilang ang Bani, Binmaley, Burgos, Manaoag, Mapandan, Mangaldan at San Fabian.

All levels din ang kanselado sa Tabuk, Kalinga, at ilang bayan ng Negros Occidental kabilang ang Bago City, Cadiz City, San Carlos City, Sipalay City, Himamaylan, Ilog, Isabela, La Castellana, Moises Padilla, Murcia at Valladolid.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *