LRT-2, may libreng sakay para sa mga PWD passenger ngayong araw

Metro Manila

MAY libreng sakay ang LRT-2 para sa mga Persons With Disability (PWD) passenger ngayong araw.

Sa abiso ng pamunuan ng LRT-2, libreng makakasakay ang mga PWD passenger mula 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at mula 3:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon.

Para ma-avail ang free train riders, i-prisenta lamang aniya ang PWD ID.

Sa proclamation no. 361 na inisyu noong Agosto 19, 2000, idineklara ang ikatlong linggo ng Hulyo bilang “National Disability Prevention and Rehabilitation Week” ngayong taon, may tema ang selebrasyon na “Lokal na pamahalaan: Kabalikat sa pagtupad ng karapatan ng mga taong may kapansanan.”

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *