Mahigit 200 pasahero, stranded sa ilang pantalan dahil sa Bagyong Falcon

Regional

STRANDED pa rin ang daan-daang pasahero sa ilang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Falcon.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), kabuuang 223 na mga pasahero ang stranded sa Western Visayas.

219 sa mga stranded ay sa Manila North Harbor sa Iloilo habang apat naman sa RJL Pier sa Antique.
Hindi rin pinayagan na makapaglayag ang isang barko sa Lipata Port sa Antique.

Pinapayuhan naman ang lahat ng PCG units na mahigpit na ipatupad ang HPCG memorandum circular number 02-13 o ang guidelines on movement of vessels tuwing may masamang panahon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *