Department of Health

Mga nasawi dahil sa dengue sa 4 na rehiyon sa bansa, pumalo na sa 152

National News

PUMALO na sa 152 ang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue sa region 6, 7, 8 at 12.

Sa situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang 6:00 ng umaga, sinabi nito na mula ito Enero 1 hanggang Hulyo 3.

Kabuuang 25,772 dengue cases rin aniya ang naitala sa nasabing mga rehiyon sa nasabing panahon.

Batay sa ulat, 15,813 na kaso ang naitala sa region 6 na may 90 na nasawi, 9,594 cases sa region 7 na may 62 na nasawi; Region 8 na may 57 cases at region 12 na may 308 dengue cases.

Una nang inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III ang “National Dengue Alert” dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.

Sinabi rin ni Duque na itinaas na ang code blue alert sa pakikipag-ugnayan na rin sa NDRRMC.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *