Pangulong Rodrigo Duterte nanindigan hindi tatalima sa pagpapaimbestiga ng Iceland dahil sa isyu ng EJK sa bansa

National News

NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte na hinding-hindi ito tatalima sa pagpapaimbestiga ng bansang Iceland sa umano’y nagaganap na mga Extra Judicial Killings (EJK) sa bansa.

Sa ekslusibong panayam sa “Give Us This Day” program sa Davao City Ni Doctor Fellow Rev. Pastor Apollo C. Quiboloy, galit na sinabi ng pangulo na walang karapatan ang Iceland na paimbestigahan ang “war on drugs” ng pamahalaan.

Punto pa ng pangulo, gumagana at walang problema ang justice system ng bansa kaya wala itong nakikitang bigat para humarap sa anomang foreign panel investigation.

Matatandaan na ang Iceland ang nag- sumite ng resolusyon sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na nagpapaimbestiga sa war on drugs ng pamahalaan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *