Pangulong Duterte, aminadong nawawalan ng gana sa pamumuno dahil sa talamak na kurapsyon sa pamahalaan

National News

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na nawalan na ito ng gana sa pamumuno ng bansa.

Sa programang Give Us This Day ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay sinabi ng pangulo na  ito ay dahil sa sunod-sunod na mga anomalya na nagaganap sa ilang programa at proyekto na nasa ilalim ng kaniyang  pamahalaan.

“I cannot even to expect you to cover my back if you don’t believe me now i will resign nawalan na ako ng gana i have lost the appetite to work with something for somebody na ganito ang.” Ang tinig ni Duterte.

Isa nga sa tinukoy niya dito ay ang naipasok  na deal mula sa landing resorts Philippines Dev. Corp. kung saan itatayo ang isang casino sa loob ng nayong Pilipino at mag o-operate sa loob ng 75 taon na walang nangyayaring bidding.

Muling iginiit ni Duterte na hindi niya pinapaboran ang pagtatag ng casino lalo pa’t wala naman itong maitutulong para mai-promote ang kultura ng bansa.

Matatandaan namang sinibak ni pangulo ang mga opisyales ng Nayong Pilipino project ng malaman ang maanomalyang transaksyon.

Maliban dito ay inilahad din ng pangulo ang nangyaring corruption sa V. Luna Medical Center  kung saan naipabot sa kanya nai-report ni Finance Sec. Sonny Dominguez ang mga anomalous transaction sa loob ng hospital.

Maliban pa dito ay  sinabi ni AFP chief-of-staff General Carlito Galvez na limang transkasyon sa hospital na nagkakahalaga ng P1.4 milyon ay overpricing.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *