Pangulong Duterte, inilahad ang mga programang target na ipatupad sa natitirang 3 taong panunungkulan nito

National News

INILAHAD ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aasahan ng publiko sa susunod na natitirang tatlong taon na panunungkulan nito sa bansa.

Sa programang ‘Give Us This Day’ ni Pastor Apollo C. Quiboloy, executive pastor ng ‘The Kingdom of Jesus Christ,’ sinabi ni Pangulong Duterte na tuluyang ibabalik nito ang karapatan  ng mamamayang Pilipino na magkaroon ng kalye at parke na ligtas mula sa anumang krimen.

Tiniyak din ng presidente na mababawasan pa ang kaso ng iligal na droga na siyang nagdudulot ng krimen.

“I would return the right to use the streets and alleys I have made my mark very clear there are less drugs in the street both side east and western.” Ang tinig ni Duterte.

Target din ng pangulo na mas mapababa pa ang pandarambong at korapsyon na umiiral sa gobyerno.

“I cannot cope up with the corruption in the gov’t sometimes I feel helpless and hopeless even in the cabinet.” Ang tinig ni Duterte.

Maliban dito, mayroon pang apat na libong (4,000) appointments na kailangang pirmahan ng chief executive para mapunan ang mga bakanteng pwesto sa pamahalaan.

“Meron pang mga bakante. Training as a lawyer. before I signed I have to take read voluminous paper asking. integrity kaya “matagal ang proseso.” Ang tinig ni Duterte.

Plano rin ni Pangulong Duterte na permanenteng buksan ang sulu bilang barter trade kasabay ng pagsiguro na walang tahasang pagpupuslit.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *