Pangulong Duterte, ipinagmamalaki ang negosasyong peace agreement sa Mindanao sa panahon ng kanyang termino

National News

SA  tatlong taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpapasalamat ito kung paano nagkaroon ang kanyang administrasyon ng  negosasyon upang maisakatuparan ang peace agreement  sa mga kapatirang Muslim at nabuo ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim in Mindanao (BARRM).

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa programang Give Us This Day ni Pastor Apollo C.  Quiboloy.

Dagdag pa ni Duterte permanente niya  ring bubuksan ang sulu bilang barter ngunit tiniyak nitong walang tahasang ipapalusot sa mga naturang transaksyon.

Nabanggit   din ng pangulo kung gaano sya nahahabag sa mga kababayang Moro sa Basilan lalo na’t dumaranas  ang mga ito ng stress sa lahat ng oras  dahil sa mga  kaguluhang nararansan sa lugar.

Ang paglalarawan ng pangulo sa kalagayan ng mga Moro sa Mindanao ay matapos nitong bisitahin ang  Basilan hindi lamang para sa kapakanan ng mga sundalo pati na rin ang kahalagahan ng mga mamamayan sa lugar.

Kasabay nito nagbanta din ang pangulo sa mga nagbabalak na  monopolisahin ng masama  ang sariling bansa dahil higit na magagawang ibalik ni Duterte sa mga ito ang sampung beses o higit pa sa iniisip nilang masama.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *