Pangulong Duterte, nanindigan sa pagsusulong ng Charter Change sa bansa

National News

PATULOY na nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa muling pagbuhay ng Charter Change sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ayon sa pangulo sa kaniyang pagbisita bilang panauhin sa Give Us This Day ni Pastor Apollo C. Quiboloy, mainam aniya ito kaugnay sa pagpapaigting ng kampanya ng pamahalaan kontra korapsiyon at iligal na droga.

Ito’y tugon sa tanong ng isang JMC College of Law student na si Bai Halla Yatas Sudagar, kaugnay kahalagahan sa pagpapalit ng konstitusyon o Charter Change sa Bansa.

Sa ilalim nito, iginiit ng pangulo ang desisyon nitong pumili ng military men na pangasiwaan ang ilang ahensiya ng gobyerno dahil sa kawalan ng tiwala nito sa mga kasalukuyang politiko sa bansa.

Sa huli, isang payo ang iniwan ng pangulo kay Bai Halla bilang isang law student na mag-aral ng mabuti partikular na sa mga batas ng bansa na magagamit nito sa kaniyang propesyon sa mga susunod na panahon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *