Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque at Pantabangan Dam

Angat Dam, patuloy pa ring nababawasan ang antas ng tubig

National News

PATULOY pa ring nababawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng nararanasang mga pag-ulan sa Metro Manila dahil sa Bagyong Falcon at habagat.

Batay sa monitoring ng Pagasa Hydrological Division, bumaba pa sa 158.27 meters ang water level sa Angat kaninang alas-6 ng umaga.

Nabawasan ito ng 11 centimeters mula sa 158.32 meters kahapon ng umaga at mas mababa pa rin sa critical level na 160 meters.

Ang Angat Dam ay ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila.

Samantala, bahagya nadagdagan ang water level sa la mesa dam na tumaas sa 72.73 meters mula sa 72.53 meters kahapon.

Kabilang pa sa nadagdagan ang antas ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque at Pantabangan Dam habang nabawasan naman ang tubig sa Magat at Caliraya.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *