Bagyong Falcon

Bagyong Falcon, lalabas na mamayang gabi; LPA, inaasahang magiging tropical depression

National News

PATULOY na nananalasa ang Bagyong Falcon sa extreme Luzon.

Sa 5 AM Severe Weather Bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 230 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometer kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 80 kilometer kada oras.

Kumikilos ang Bagyong Falcon pahilaga sa bilis na 20 kilometer kada oras.

Nakataas ang Signal No. 2 sa Batanes habang Signal No. 1 naman sa Babuyan Group of Islands.

Tinatayang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi.

Maliban sa bagyo, isang Low Pressure Area ang binabantayan na huling namataan sa layong 265 kilometers kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Sinabi ng Pagasa na posibleng maging tropical depression ang LPA sa loob ng 48 oras at papangalanan ito na ‘Goreng.’

Ngayong araw, makararanas ng katamtaman hanggang minsanang malalakas na ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Northern Palawan.

Habang mahina hanggang katamtaman na minsanang malalakas na ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *