Department of Health

DILG, handang makipagtulungan sa DOH sa pagtaas ng dengue case sa bansa

National News

NAKAHANDANG makipagtulungan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Department of Health kasunod ng pagtaas ng dengue case sa bansa.

Hinimok ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na simulan na ang clean-up drives sa kanilang mga lugar bilang hakbang kontra pagkalat ng sakit na dengue.

Naalarma si DILG Sec. Eduardo Año matapos lumabas sa ulat ng DOH na maraming rehiyon sa labas ng National Capital Region ang may mataas na kaso ng naturang sakit.

Nitong Lunes nang ideklara ng DOH ang National Dengue Alert matapos pumalo sa higit 100,000 ang bilang ng kaso ng sakit sa buong bansa sa unang kalahati ng taon.

Kaugnay nito, inatasan ni Año ang mga lokal na opisyal na makipag-coordinate sa DOH para sa mga aksyon na maaaring gawin kontra dengue.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *