Jane De Leon

Jane De Leon, labis ang pasasalamat  bilang bagong Darna

Showbiz

MATAPOS ang ilang buwang paghahanap ay finally may napili na nagaganap sa role ng ating favorite pinay Superhero na si Darna.

Ibinunyag ng Star Cinema na ang 20-year-old actress na si Jane De Leon ang napiling gumanap sa role mula sa daang-daang celebrities na nag-audition bilang Darna.

Ani Managing Director Olivia Lamasan, nakitaan nila ng kakaibang potensyal ang dalaga na tingin nila ay swak upang gampanan ang pagiging Narda at Darna.

Labis naman ang pasasalamat ng young actress at nangakong pagtatrabahuhan at gagawin niya ang lahat upang mabigyang hustisya ang iconic superhero.

Asahan umano ang coming-of-age story sa bagong bersyon ng Darna sa direksyon ni Jerrold Tarog.

Maaalalang noong Abril nang binitiwan ni Liza Soberano ang role na matapos magtamo ng severe finger fracture.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *