SONA

Magkapatid na Duterte, hindi makadadalo sa SONA ni Pang. Duterte

National News

HINDI dadalo ang magkapatid na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Davao City Vice Mayor Baste Duterte sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng kanilang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ayon kay Sara, naka-special medical leave siya ng 60 araw dahil sa gynecological condition.

Samantala, hindi naman makadadalo si Baste sa SONA ng ama dahil sa regular session ng Sangguniang Panlungsod ng Davao.

Sinabi ni Baste na panonoorin na lamang niya ang SONA sa telebisyon.

Noong nakaraang SONA, present sa event ang mga miyembro ng First Family.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *