political activities

Mga dayuhan sa bansa, pinaalalahanang huwag makilahok sa political activities sa bansa

National News

PINAALALAHANAN ng Bureau of Immigration ang mga dayuhan na huwag makilahok sa political activities sa bansa.

Kaugnay ito sa nalalapit na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, walang political rights at prebilihiyo ang mga dayuhang bisita sa bansa para lumahok sa anumang political demonstrations.

Kailangan aniyang sundin at irespeto ng mga banyaga ang gobyerno at ang umiiral na mga batas ng Pilipinas.

Sinabi ni Morente na ang kanilang paalala ay upang maiwasang maulit muli ang mga insidente ng deportation at exclusion sa mga foreign national na lumahok sa mga protesta at mass action sa bansa tulad ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Babala ni Morente sa mga alien protester na maaari silang ma-deport at ma-blacklist kapag napatunayang lumabag ang mga ito sa batas ng Pilipinas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *