Quezon City

Pasok sa Quezon City, suspendido sa Lunes dahil sa SONA

Section

SUSPENDIDO ang pasok sa mga paaralan sa Quezon City sa Lunes, Hulyo 22.

Ipinag-utos ni QC Mayor Joy Belmonte ang suspensyon upang bigyan-daan ang Ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sakop ng suspensyon ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan.

Inaasahang libo-libong militante ang magsasagawa ng kilos-protesta malapit sa Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang SONA.

Una nang sinabi ng pulisya na nasa 15,000 na mga pulis at force multipliers ang idedeploy sa buong Metro Manila kung saan 9,000 sa mga ito ay itatalaga sa Quezon City.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *