patay

11 mag-aaral, patay matapos mahulog ang sinasakyang mini truck sa Boljoon, Cebu

Regional

PATAY ang labing isang mag-aaral na may edad 10 hanggang 12 matapos mahulog ang mini dump truck sa isang bangin sa Boljoon, sa timugang bahagi ng probinsya ng Cebu.

Kinumpirma ito ng Boljoon Public Information Officer na si Rube Nieri.

Kabilang naman sa nasugatan at dinala sa ospital ang 20 na mga indibidwal.

Patungo sana ang mga estudyante kasama ng kanilang mga guardian sa sentro ng nasabing bayan upang makilahok sa Health Week na inoorganisa ng Department of Education (DepEd) nang mahulog ang trak sa isang bangin dakong alas 7:00 ng umaga kanina.

Kasalukuyan namang inalam ang dahilan ng nasabing insidente.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *