Anti-Endo Bill

Anti-Endo Bill, inaasahang maihahabol sa SONA ni Pangulong Duterte

National News

UMAASA si Sen. Joel Villanueva na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Endo Bill bago ang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 22.

Ayon kay Villanueva, malaking tulong ang naipasang batas para sa mga manggagawa na tapusin na ang kontraktualisasyon sa bansa.

Nakasaad sa panukala ang pagkakaroon ng security of tenure at dapat ibigay sa mga manggagawa ang nararapat na sahod at karapatan sa pinapasukang kompanya.

Matatandaan na noong ikatlong SONA ni Pangulong Duterte ay ipinangako nito na tatapusin na ang kontraktwalisasyon o ang Endo sa mga manggagawa matapos ang limang buwan pagtatrabaho.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *