kalamidad

DSWD at AFP, magsasanib pwersa para sa pagbibigay ng serbisyo sa mga biktima ng kalamidad

National News

NAGSANIB pwersa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mapag-ibayo pa ang pagbibigay ng tulong at programa para sa mga biktima ng kalamidad at armed conflicts.

Kaugnay niyan ay nilagdaan ng dalawang ahensya ang isang memorandum of understanding bilang suporta sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“An order institutionalizing the whole-of-nation approach in attaining inclusive and sustainable peace, creating a national task force to end local communist armed conflict, and directing the adoption of a national peace framework,” ayon ito sa napaloob ng nasabing EO.

Katuwang naman ng DSWD ang AFP sa pagbibigay ng Social Protection Programs sa mga pamilyang naapektuhan ng insurgency at iba pang naturang phenomenon.

Umaasa naman ang DSWD na ang kanilang tulungan sa AFP ay magpapatibay sa peace-building measures ng Duterte Administration.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *