NGAYONG araw isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang final draft ng State of the Nation Address (SONA) para sa Lunes, July 22.
Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, natipon na ang lahat ng mga inputs ng iba’t-ibang ahensya na lalamanin ng SONA ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Nograles, mula sa final draft na isusumite kay Pangulong Duterte ay malalaman kung alin ang tatanggalin at nais nitong idagdag para sa nilalaman ng kanyang uulat sa bayan.
Mayroon naman hanggang linggo si Pangulong Duterte para ma-edit at ma-fine tune nito ang isusumiteng draft ng kanyang mensahe.
Hindi pa makumpirma ni Nograles kung ilang minuto ang SONA delivery ni Pangulong Duterte.