Gilas Pilipinas

Gilas Pilipinas na pressure sa limitadong oras sa paghahanda sa 2019 FIBA world cup

Sports

SA loob na lang ng anim na linggo, bago ang pinaka-unang laban ng national team ng bansa na Gilas Pilipinas ay nakakaramdam na ito ng pressure dahil sa limitadong oras sa paghahanda sa papalapit na 2019 FIBA World Cup.

Sa ngayon ay halos dalawang beses lang kada linggo nakakapag enasayo ang koponan ng Gilas ito ay tuwing Lunes at Huwebes.

Naniniwala ang mga manlalaro ng Gilas maging ang Gilas coach na si Coach Yeng Guaio na ang twice-a-week preparation ay hindi sapat sa haharapin nilang mga laban sa World Cup

Dagdag pa nito, na malaking responsibilidad ang pag representa para sa bansa sa kabila ng madalang na pag-eensayo.

Pero sa kabila nito ay masaya pa rin si Coach Yeng Guiao sa pinapakitang performances sa mga practices ng Gilas.

Isa rin nakikitang dahilan ay ang divided focus ng mga Gilas Players dahil karamihan sa mga ito ay makikipagtunggali sa Commissioner’s Cup title ng PBA.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *