Liberal Party

Liberal Party Congressman, balak lumipat sa mayorya sa Kamara

Section

PLANO ni Liberal Party Caloocan Rep. Edgar Erice na lumipat sa mayorya sa Kamara sa pagsisimula ng 18th Congress.

Sinabi ni Erice na mananatili pa rin ang prinsipyo ng partido sakaling lumipat sila sa majority sa Kamara.

Paliwanag ni Erice na ang paglilipat sa mayorya ay magbibigay ng pagkakataon sa kanilang mga miyembro na maging bahagi ng mga komite at makapag-deliver ng mga proyekto sa kani-kanilang mga distrito.

Iginiit din ng kongresista na magagamit ng House majority ang input ng labing walong LP congressmen sa iba’t ibang usapin katulad na lamang ng Charter Change.

Ayon pa kay Erice, nakausap niya at pumayag na ang tatlong House speaker aspirants na bigyan ng leniency ang LP members pagdating sa kanilang posisyon sa iba’t ibang usapin sakaling umanib sila sa majority.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *