Lock-out policy

Lock-out policy sa Kamara, magsisimula na ngayong araw

Section

MAGSISIMULA na ngayong araw ang Lock-out policy sa Kamara para sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa July 22.

Ngayong araw, gagana na “No Pre-SONA Security Lock-Out Stickers, No Entry” at “No HREP ID, No Entry” kung saan ang mga empleyado ng mababang kapulungan at mga non-employees ay hindi papayagang makapasok sa Batasan premises kung wala namang official business doon.

Hindi na rin makakapasok ang mga hindi list sa manifesto na ginawa ng Office of the Executive Director Legislative Security Bureau (LSB).

Inaabisuhan naman ang mga nakalista sa manifesto na magdala ng kanilang HREP ID kung empleyado at company ID sa mga non-employees kaakibat na didikitan ito ng mga color-coded stickers sa may North Gate ng Batasan.

Samantala, sa mismong araw ng SONA ay mahigpit na ibinibilin ang pagsusuot ng SONA 2019 ID, paglalagay ng car pass sa mga sasakyan na papasok sa Batasan, parking restrictions at maging ang susuotin sa SONA na business attire para sa mga media na magko-cover at Filipiniana at Barong para sa mga bisita.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *