Low Pressure Area

Low Pressure Area, muling pumasok sa Philippine Area of Responsibility

National News

MULING pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area na lumabas sa Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, kaninang alas 8:00 ng umaga ay naging ganap na bagyo ang LPA na nasa kanluran ng extreme Northern Luzon at pinangalanang Goring.

Huling namataan ang bagyo sa layong 190 kilometro hilaga hilagang-kanluran ng Basco Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometer kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 60 kilometer kada oras.

Kumikilos ang Bagyong Goring pahilagang silangan sa bilis na 30 kilometer kada oras.

Nakataas ang Signal Number 1 sa Batanes.

Inaasahang lalabas naman ng PAR ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.

Samantala, huling namataan ang tropical storm “Danas” na dating Bagyong Falcon sa layong 1,005 kilometro hilaga ng extreme Northern Luzon na may lakas ng hangin na aabot sa 80 kilometer kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 95 kilometer kada oras.

Kumikilos ito pahilaga sa bilis na 20 kilometer kada oras.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *