SONA

Pagpapataas ng sahod, pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, ilan sa mga nais marinig ng sambayanan sa SONA

National News

PAGPAPATAAS ng sahod, pagpapababa ng presyo ng mga bilihin at pagbibigay ng maraming trabaho.

Ito ang mga pangunahing isyu na nais ng Sambayanang Pilipino na talakayin o banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nalalapit nitong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 22.

Sa resulta ng Pulse Asia Survey, lumabas na tig-17.1% ay pinili na talakayin ang umento sa sahod at pagpapababa ng mga bilihin at 15.2% naman ang pinili ang isyu ng paglikha ng maraming hanapbuhay.

Maliban dito, ilan pa sa nais ng mga Pilipino na banggitin ng pangulo ang isyu sa China at soberanya ng Pilipinas, ipaglaban ang teritoryo ng bansa partikular na sa West Philippine Sea, huwag magpa-under sa Tsina, ipaliwanag ang patakaran sa pakikitungo sa China at paglaban sa iligal na droga.

Nakasaad din sa survey na 75% ng mga Pilipino ang aware o nakarinig, nakabasa o nakapanood na sa anumang nakaraang ulat ng bayan ni Pang. Duterte.

Isinagawa ang survey mula June 24 hanggang 30 sa pamamagitan ng face to face interviews sa 1,200 adults respondents sa buong bansa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *