Lorenzana

Pilipinas mas handa na sa anumang kalamidad matapos ang Yolanda — Lorenzana

National News

SA huling Pre-SONA Forum sa Davao City kamakailan, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mas handa na ang Pilipinas sa mga posibleng kalamidad na papasok sa bansa, ito ay matapos hagupitin ng Super Typhoon Yolanda ang bansa noong 2013. Sa sukat mula isa hanggang 10, nasa pito na umano ang Pilipinas.

Paliwanag ni Lorenzana na mas alerto at mas mabilis na rin ang bansa sa pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong.

“I think we had a list of progress after Yolanda. We can now react immediately to any calamity..hindi gaya noon, nu’ng Yolanda we were shocked pa, but after Yolanda we have improved a lot,” pahayag ni Lorenzana.

Maliban pa rito, sinabi rin ng Defense secretary na bukod sa pagdagdag ng mga equipment na magagamit sa panahon ng sakuna, ipinapaalam at tinuturuan din ng pamahalaan ang mga tao kung paano maging alerto lalong lalo na sa panahon ng kalamidad.

“We are educating our people on how to be resilient especially in the vulnerable areas. Information is really important. Effect: ‘yung mga prepared na mga bayan nasa Isabela, Ilocos, Luzon, we didn’t record casualties because of their preparedness. Telling the people, on what to do, before, during, and after disaster—we can save lives,” ani ng Defense secretary.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *